Aklat ng mga Awit Pambata,
p. 14
Kaya ba ng Tulad ko?
Kaya ba ng Tulad ko?
1. Kaya ba ng tulad ko,
Pasalamatan ang Diyos?
Opo! at tapat lagi,
Matiisin at mabuti.
Ang Diyos ang mamahalin;
Buong pusong sambitin:
Salamat po, Ama!
Salamat po, Ama!
Ama sa langit, salamat po!
2. Sa bungang nasa puno,
Sa humuhuning ibon,
Sa araw na kayganda,
Sa gabi at umaga,
Sa gawaing kaysaya,
Munti mang bata’y kaya.
Salamat po, Ama!
Salamat po, Ama!
Ama sa langit, salamat po!
Titik: Mary M. Dodge, 1831?-1905
Himig: W. K. Bassford, 1839–1902
Titik: Mary M. Dodge, 1831?-1905
Himig: W. K. Bassford, 1839–1902