Book cover

Ako ay Anak ng Diyos

Aklat ng mga Awit Pambata, 2


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Ako ay anak ng Diyos, Dito’y isinilang; Handog sa ’kin ay tahana’t Mabuting magulang.

Akayin at patnubayan Sa tamang daan, ’Turuan ng gagawin Nang S’ya’y makapiling.

2. Ako ay anak ng Diyos, Nangangailangang Matutuhan Kanyang aral Habang bata pa lang.

Akayin at patnubayan Sa tamang daan, ’Turuan ng gagawin Nang S’ya’y makapiling.

3. Ako ay anak ng Diyos, Biyaya’y kakamtin; Kung ang nais N’ya’y susundin, S’ya’y makakapiling.

Akayin at patnubayan Sa tamang daan, ’Turuan ng gagawin Nang S’ya’y makapiling.

4. Ako ay anak ng Diyos, T’yak ang pangako N’ya; Magsikap lang, makakamtan Ko ang l’walhati N’ya.

Akayin at patnubayan Sa tamang daan, ’Turuan ng gagawin Nang S’ya’y makapiling.