Aklat ng mga Awit Pambata,
p. 34
Minsa’y Naging Musmos si Cristo
Minsa’y Naging Musmos si Cristo
1. Minsa’y naging musmos si Cristo,
Isang batang tulad ko;
At siya’y magalang at mabait,
Dapat sa batang paslit.
Tayong mga bata,
Ay magsipagsikap
Na S’ya ay subukang
tularan.
2. — S’ya’y mahilig ding maglaro,
Pambatang laro’y gusto;
Hindi niya ugali ang magdamdam.
’Pag hindi nakuha’ng asam.
Tayong mga bata,
Ay magsipagsikap
Na S’ya ay subukang
tularan.
Titik: James R. Murray, 1841–1905
Himig: Joseph Ballantyne, 1868–1944
Titik: James R. Murray, 1841–1905
Himig: Joseph Ballantyne, 1868–1944