Book cover

Ang mga K’wento kay Jesus

Aklat ng mga Awit Pambata, 36


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Ang mga k’wento kay Jesus na gusto ko, Isalaysay po sa akin lahat ito. K’wento habang s’ya’y naglalakad, K’wento habang S’yang naglalayag.

2. Paanong ang mga bata ay nagtipon; Iisiping may pagbasbas sa ’kin doon, At ang mukha N’ya na kaybait. Ang salita N’ya na kaytamis.

3. Ik’wento sa ’kin ang dagat at ang sigwa; Pa’nong halos lumubog na itong bangka! Pa’nong ang guro, nang magwika, Unos at hangin, pumayapa.