Book cover

Anghel Aming Narinig

Musika mula sa Para sa Lakas ng mga Kabataan


1. Anghel aming narinig, Sa parang umaawit; Mga bundok, ang sambit, Inuulit ang himig. Luwalhati sa Kaitaasan.

2. Bakit ba mga pastol At sukdulan ang saya? May balita bang hatid At awit n’yo’y kay ganda? Luwalhati sa Kaitaasan.

3. Do’n sa Betlehem, masdan Ang sanggol sa sabsaban; S’ya ay ating sambahin, Si Cristo na Diyos natin. Luwalhati sa Kaitaasan. Luwalhati sa Kaitaasan. Sa Kaitaasan. Sa Kaitaasan.