Book cover

Dakilang Gawain

Musika mula sa Para sa Lakas ng mga Kabataan


1. May gawaing laan, inihanda sa ‘yo bago nilikha ang mundo. Taglay mo ang lakas na pagtagumpayan mga pagsubok ng buhay. Sa unos Siya ang ‘yong kanlungan. Ikaw ay ‘di Niya iiwan.

Ito’y dakilang gawain natin. Isang bahagi ng plano Niya. ‘Wag kang mapagod Siya’y laging nar‘yan, sa kadilima’y gabay mo Siya sa gawaing dakila. Ito’y dakila.

2. Kung puso mo’y tapat, pangarap Niya sa ‘yo lahat Kanyang ilalahad. At ‘pag Siya’y sinundan dakilang gawain ay magsisimula.

Ito’y dakilang gawain natin. Isang bahagi ng plano Niya. ‘Wag kang mapagod Siya’y laging nar‘yan, sa kadilima’y gabay mo Siya sa gawaing dakila. Ito’y dakila.

Ito’y Kanyang gawain, nais Niyang kasama ka nang tungkulin mo’y malaman

sa dakilang gawain natin. Isang bahagi ng plano Niya. ‘Wag kang mapagod Siya’y laging nar‘yan, sa kadilima’y gabay mo Siya dakila. sa dakila, dakila, Ito’y dakila.