O Bukal ng Pagpapala

Mga Himno para sa Tahanan at Simbahan, 1001


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. O Bukal ng pagpapala,Sa ’king puso’y umagos.Batis ng awa’t biyayaPupurihin nang taos.O, nawa ako’y turuanNg dalisay na himig.Papurihan ang SaligangPantubos ay pag-ibig.

2. Ebenezer, ang sagisag,Alay sa pagtulong N’yo.Iligtas sa pagkabihagAng ligaw na puso ko.Si Jesus, Pastol ng kawan,Na sa aki’y humanap,S’ya’ng saklolo at sandigan;Pagtubos N’ya’y kayganap.

3. Ang sakdal Ninyong biyaya’Di ko matutumbasan!Bigkisin sa Inyong awaPusong makasalanan.Kung sakali mang lisaninAng minamahal kong D’yos,Puso ko’y Inyong sakupin,Tanggapin Ninyong lubos.