1. Sa araw na si Cristo ay muling pumarito, Paghaharian N’ya’t dadalisayin ang mundo. Digmaa’y mawawala; pag-ibig madarama; Leon at tupa ay magsasama.
Magdiwang! Magsaya! At tayo’y maghanda! Tularan S’ya, at sundan ang landas N’ya. ’Di natin alam kung kailan S’ya magbabalik, Ngunit ito’y matutupad, at tayo’y magagalak ’Pag ang Manunubos ay bumalik.
2. At ang araw na iyan, h’wag nating pangambahan, Walang kasamaan, pasakit, at kamatayan. Salita N’ya’y susulong, at sa ’sanlibong taon, Lahat tanggap na S’ya’ng Panginoon!
Magdiwang! Magsaya! At tayo’y maghanda! Tularan S’ya, at sundan ang landas N’ya. ’Di natin alam kung kailan S’ya magbabalik, Ngunit ito’y matutupad, at tayo’y magagalak ’Pag ang Manunubos ay bumalik.