Magalak, Kaluluwa

Mga Himno—Para sa Tahanan at sa Simbahan, 1003


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. ’Pag puso’y puspos ng kapayapaan, O labis ang pagdurusa, Ang turo N’yo sa ’ki’y sabihin ito: “Magalak, O aking kalul’wa.”

Magalak, kalul’wa, Magalak, magalak, kalul’wa.

2. Tukso o pagsubok man ay dumating, Panatag ako sa Kanya. ’Binuhos ni Cristo ang Kanyang dugo, Tinubos ang aking kalul’wa.

Magalak, kalul’wa, Magalak, magalak, kalul’wa.

3. Mga sala ko’y pinasan ni Jesus. Ginhawa ay nadarama! Sa krus S’ya’y ’pinako! Ako’y ’niligtas! Magpuri, O aking kalul’wa!

Magalak, kalul’wa, Magalak, magalak, kalul’wa.

4. Ako ay sabik sa Inyong pagbalik; Lahat ay mahahayag na. Tunog ng trumpeta ay maririnig; Sa ngayon, magalak, kalul’wa.

Magalak, kalul’wa, Magalak, magalak, kalul’wa.