Kasama Ko si Cristo sa Paglalakad

Mga Himno—Para sa Tahanan at sa Simbahan, 1004


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Lumago si Cristo sa karunungan, At mahal N’ya ang Ama’t sanlibutan. Nais N’yang ituro ang tamang landas; Aakayin N’ya ako hanggang wakas.

’Pag S’ya ang kasama sa paglalakad, Ang Espiritu’t liwanag Kanyang igagawad. Puso ko’t isipan ay babaguhin N’ya. S’ya’y makakasama patungo sa Ama.

2. Aking sisikapin na tularan S’ya, Nangangakong susundan ang yapak N’ya, Susundin ang aking Tagapagligtas, At ihahayag pag-ibig N’yang wagas.

’Pag S’ya ang kasama sa paglalakad, Ang Espiritu’t liwanag Kanyang igagawad. Puso ko’t isipan ay babaguhin N’ya. S’ya’y makakasama patungo sa Ama.

3. Tunay kong Kaibigan, S’ya’y pakikinggan; ’Pag ako’y nagkamali, S’ya’y nariyan. Kaloob N’ya’y tulong, awa’t pag-asa Na ako’y makabalik sa ’king Ama.

’Pag S’ya ang kasama sa paglalakad, Ang Espiritu’t liwanag Kanyang igagawad. Puso ko’t isipan ay babaguhin N’ya. S’ya’y makakasama patungo sa Ama.