Tuwing ang Tinapay ay Tatanggapin

Mga Himno—Para sa Tahanan at sa Simbahan, 1007


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. T’wing ang tinapay tatanggapin, Bagbag na puso’y humihiling. Nawa ay aming magunita Ang katawan N’yong nagdusa.

2. Tubig na aming iinumin Dugo N’yong alay para sa ’min. Nawa kami’y dalisayin N’yo, Pabanalin aming puso.

3. Inyong baguhin nang lubusan Ang aming puso at isipan. Nawa kami’y mapatawad N’yo, Dinggin ang aming pagsamo.

4. Jesus, kami ay tulungan N’yo Na matularan namin Kayo. Nawa landas N’yo ay makita; Ang ’Spiritu’y ipadama.