Ang Tinapay at Tubig ng Buhay

Mga Himno—Para sa Tahanan at sa Simbahan, 1008


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Bawat sala, bawat dusa Ay inako ni Jesus. Upang tayo’y tubusin, Ang dugo N’ya’y ’binuhos.

O Jesus, ang Tinapay At Tubig ng Buhay, O, ako’y pabanalin, Gawing ganap—buo’t dalisay— At sa Inyo’y bigkisin.

2. Buhay N’ya’y Kanyang inalay, At libinga’y ginapi. S’ya ay namatay upang Tayo’y mabuhay muli.

O Jesus, ang Tinapay At Tubig ng Buhay, O, ako’y pabanalin, Gawing ganap—buo’t dalisay— At sa Inyo’y bigkisin.

3. Sa altar, bagbag kong puso’y ’Sinusuko sa Kanya. Nais ko’y biyaya ng Pagbabayad-sala N’ya.

O Jesus, ang Tinapay At Tubig ng Buhay, O, ako’y pabanalin, Gawing ganap—buo’t dalisay— At sa Inyo’y bigkisin.