Ang Pagmamahal ng Diyos

Mga Himno para sa Tahanan at Simbahan, 1013


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Bawat sandali ng aking buhayAy napapanatag ang puso.At sa t’wing ang D’yos ang S’yang karamay,Kadiliman ay naglalaho.Dahil sa pagmamahal N’ya sa ’kin,Bawat araw ay may pag-asa;Sa gitna ng luha at pasanin,May ligaya’t ginhawa.

2. Bawat araw S’ya’y kaylapit sa ’kin;Awa at biyaya N’ya’y alay.Ang kapangyarihan N’ya at bilinUmaakay at gumagabay.Bagaman landas ay ’di malinaw,’Di kinakailangang mangamba.Ang hatid N’ya sa ’kin araw-arawAy lakas at tulong N’ya.

3. Puso ko nawa ay payapainSa Inyong pangako’t salita.At sa t’wing ako’y may suliranin,O, ako’y palakasin, Ama.Patibayin N’yo ako’t tulunganSa pagsubok at pagkabigo;Bawat sandali ako’y samahanHanggang lupang pangako.