1. Aking Pastol ang tutustosSa aking kailangan.S’ya ang aking Manunubos;Jehova ang ngalan.Ako’y Kanyang ’nililigtasMula sa karimlan;Naliligaw man ng landas,Ang awa N’ya’y nar’yan.
2. Sa lilim ng kamatayan,Kayo’y sandigan ko.Pangangamba’y maiibsanSa salita Ninyo.Sa harapan ng kaaway,Ako’y pinagpala.Umaapaw sa ’king buhaySakdal N’yong biyaya.
3. Pagpapala ng aking D’yosSa ’ki’y nakalaan.O, tanggapin akong lubosSa Inyong tahanan.Doon ay mahahanap koAng pahinga’t galak.’Di na ’ko panauhinN’yo Kundi Inyong anak.