1. O, ang pag-ibig ni Cristo— Tulad ng karagatan— ’Di masukat at kaylalim At walang katapusan! At sa aki’y bumabalot Ang pag-ibig N’yang sakdal, At pumapatnubay tungong Pahingahan N’yang banal.
2. O, ang pag-ibig ni Cristo— Saanman S’ya’y sambahin! Kanyang awa’t kabutihan Ay ipagpitagan din. Namatay, namamagitan Nang tayo’y maging Kanya. At mula sa kalangitan Ay nakasubaybay S’ya.
3. O, ang pag-ibig ni Cristo— Kaydalisay, kaywagas— S’ya’ng bukal ng pagpapala At kanlungang kayligtas. O, ang pag-ibig ni Cristo— Langit ’pinararamdam At sa aki’y umaakay Tungong kawalang-hanggan.