1. Pumarito sa sabsaban,O kaygiliw na Jesus.Langit ay Inyong nilisan—Nagpakumbabang lubos.Magliwanag sa dilim,Emmanuel, Hari namin.At kami’y Inyong akayin,O Panginoon.
2. Pumarito at damayanAng may sugatang puso.Bigyan ng kaginhawahan;Ang kanlungan ay Kayo.Awa N’yo’y aming hiling;O, kami’y pagalingin.Ang damdami’y panatagin,O Panginoon.
3. Pumarito, Manunubos,Aming Tagapaglikha,Nang pagluha ay mataposAt kami’y mapayapa.Pumarito na muli;al’walhating maghari.Luluhod kami’t babati,O Panginoon.