1. O, ang pagtawag ni Cristo’y kaygiliw— Para sa ’yo at sa ’kin. Paghihintay N’ya ay ’di nagmamaliw— Para sa ’yo at sa ’kin!
Lapit! Lapit! O napapagod, lapit! O, ang pagtawag ni Cristo’y kaygiliw. O nagkasala, lapit!
2. ’Di ba kailangan na S’ya’y mamagitan Para sa ’yo at sa ’kin? ’Di ba pansin awa N’ya’t panawagan Para sa ’yo at sa ’kin?
Lapit! Lapit! O napapagod, lapit! O, ang pagtawag ni Cristo’y kaygiliw. O nagkasala, lapit!
3. O, ang pag-ibig N’ya’y kahanga-hanga— Para sa ’yo at sa ’kin! Pagpapatawad ay alay N’ya t’wina Para sa ’yo at sa ’kin!
Lapit! Lapit! O napapagod, lapit! O, ang pagtawag ni Cristo’y kaygiliw. O nagkasala, lapit!