May Tiwala sa Pangako ni Cristo

Mga Himno—Para sa Tahanan at sa Simbahan, 1023


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. May tiwala sa pangako ni Cristo, S’ya ay aking pupurihin nang husto! Pagsamba sa t’wina’y aawitin ko— Laging may tiwala sa Kanya.

May tiwala Sa mga pangakong ginawa ni Cristo; May tiwala— Ako ay may tiwala sa Kanya.

2. May tiwala sa pangakong totoo Duda’t pangamba’y hindi man maglaho; Ang sandigan ko ay ang ebanghelyo— Laging may tiwala sa Kanya.

May tiwala Sa mga pangakong ginawa ni Cristo; May tiwala— Ako ay may tiwala sa Kanya.

3. May tiwala sa pangako ni Cristo, Sa Kanya’y nakabigkis ang puso ko; Araw-araw may lakas ng ’Spiritu— Laging may tiwala sa Kanya.

May tiwala Sa mga pangakong ginawa ni Cristo; May tiwala— Ako ay may tiwala sa Kanya.

4. May tiwalang ’di ako matutukso, Pinakikinggan bulong ng ’Spiritu; Ang lahat-lahat sa aki’y si Cristo— Laging may tiwala sa Kanya.

May tiwala Sa mga pangakong ginawa ni Cristo; May tiwala— Ako ay may tiwala sa Kanya.