Puso Ko’y Laan sa Inyo

Mga Himno—Para sa Tahanan at sa Simbahan, 1025


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. O D’yos, puso ko’y laan Sa Inyo kailan pa man. At sa bawat sandali, Sa Inyo’y magpupuri, Sa Inyo’y magpupuri.

2. Ang aking mga kamay Ay tutulong nang tunay. At aking mga paa Susundan Kayo t’wina, Susundan Kayo t’wina.

3. Tinig ko’y iaalay Sa ’king Hari’t Patnubay. At ang mga labi ko Sasambit ng nais N’yo, Sasambit ng nais N’yo.

4. Kalooban N’yo’y aking Matapat na susundin. Puso ko’y sakupin N’yo, Manahan Kayo rito, Manahan Kayo rito.