1. Hindi ko makayang bilangin Mga pagpapala ng D’yos; Mga kayamanang nanggaling Sa langit nakapupuspos. Hindi ko makayang bilangin Mga pagpapala ng D’yos.
2. Kasindami ng mga tala Pagpapalang dumarating. Gabi ay mistulang umaga Sapagkat sila’y kayningning. Kasindami ng mga tala Pagpapalang dumarating.
3. Walang hanggan ang pagpapala— Nagpapasalamat ako— Patotoo sa Kanyang awa At pag‑ibig N’ya sa mundo. Walang hanggan ang pagpapala— Nagpapasalamat ako!