1. Bumangon, magbunyi!Nabuhay S’yang muli!Lahat umawit, magpuriKay Cristo na Hari.Tayo’y napalayaSa gapos ng sala.Dahil sa pagkabuhay N’ya,May bagong simula.
2. NapagtagumpayanAng krus at libingan;Pinawi ang kadiliman,Hapdi’t kalungkutan.Nang dahil kay Jesus,Tayo ay natubos.Nabuhay ang Manunubos!Ligaya ay lubos!
3. Tayo’y pinagpalaNg Tagapaglikha;Sa pagbabayad-sala N’yaTayo’y umaasa.’Di na maninimdim’Pag S’ya ay dumating.Mga papuri’y sambitin,At S’ya ay sambahin!