Ang Tinig Niya ay Himig

Mga Himno para sa Tahanan at Simbahan, 1040


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Ang tinig N’ya ay himig na kaylugod,Dinig sa’n ka man naroon.Sa paanan N’ya ay nagsisiluhodMga sedar ng Lebanon.Hardin ng biyaya’y dinidiligangLubos ng Kanyang salita.At makikilala ng sanlibutanKung sa’n kaligtasa’y mula.

2. ’Di mailarawan maging sa tulaKanyang kabutihang taglay.Liwanag ng awa N’ya ay kaygandaAt tila bukang‑liwayway,Natatanglawan ang mga nilikha.Pagmamahal N’ya’y kaylawak.Ngiti N’ya’y sa langit nagpapasigla,Sa lupa nagpapagalak.

3. Ang mga anghel sadyang nagbubunyi,Hudyat N’ya’y inaabangan.Ang sandaigdigan ay nagpupuriKay Cristo magpakailanman.O aking Pastol, tawag N’yo’y susundin;Ang tinig N’yo’y kilala ko.O, palakasin at ako’y kanlungin;Ang aking galak ay Kayo.