Ang mga Bituin sa Langit, Mabibilang Mo Kaya?

Mga Himno para sa Tahanan at Simbahan, 1046


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Ang mga bituin sa langit,Mabibilang mo kaya,At pati ang mga ulap—Kaytaas at kayganda?O, gaano man karamiAy batid ng D’yos palagiAng Kanyang mga likha,Ang Kanyang mga likha.

2. Ang mga munting kulisap,Mabibilang mo kaya,At pati naglalanguyangMakukulay na isda?Binigyan sila ng buhay,Kilala rin N’ya nang tunay,At kinakalinga N’ya,At kinakalinga N’ya.

3. O, alam mo ba ang bilangNg mga batang musmosNa nagdarasal palagiNang taos sa ating D’yos?O, silang lahat mahal N’ya,Kinagigiliwan t’wina,At mahal ka rin ng D’yos,At mahal ka rin ng D’yos.