1. Ama, kami’y nananalanginNang may galak at katapatan.Lubos pasasalamat naminKay Jesus, ang Buhay at Daan.Sa alay N’yang dugong dalisay,Kami’y mabubuhay muli.Nadarama’y ligayang tunay;Pag‑asa ang aming mithi.
2. Ama, kami’y nananalangin,Salamat sa ’ming Manunubos.Handog N’ya’y kaligtasan namin;Sa sala, kami ay tinubos.Hatid N’ya ay katotohananNa tatanglaw sa ’ming landas.Kami’y Kanyang tinutulungangSa kapwa’y magbigay‑lakas.
3. Ama, kami’y nananalanginNa kalooban N’yo’y malaman.Nawa Kayo ay makapilingSa karingalang walang‑hanggan.Pagpapatawad N’yo ang nais,Awa’t biyaya N’yong laan.Nagsusumamo, tumatangis,Nawa landas N’yo’y masundan.