1. O pananalig ng ating lahi,Sa t’wina ay na nanatili.Magdusa man kami’y maligaya,T’wing diringgin, Kanyang salita.
O pananalig na wagas,Kami’y tapat hanggang wakas!
2. O pananalig ng ating lahi,Sa bawat baya’y ilalapit;Katotohanang sa Diyos nagmulaAng sa tao’y magpapalaya.
O pananalig na wagas,Kami’y tapat hanggang wakas!
3. O pananalig ng ating lahi,Bawat tao ay mamahalin,At sa lahat ay ipapabatid,Sa salita’t gawang matuwid.
O pananalig na wagas,Kami’y tapat hanggang wakas!