Book cover

O Jesus, Maging Gabay Ko

Mga Himno, 58


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. O Jesus, maging gabay ko,Sa buhay na kaygulo;Mga along kaylaki,May panganib na hatid.Tanto N’yo’ng landas ng buhay;Sa ’kin ay maging gabay.

2. Tulad ng inang kay-amoAng anak, inaalo;Dagat ma’y tatalima,Utos N’yo’y “Pumayapa!”O Hari ng karagatan;Ako sana’y gabayan.

3. Sa pampang, bago sumapit,Alon ay nagngangalit,Hadlang sa ’king pahinga;O sabihin N’yo sana,“H’wag ka nang mahintakutan:Akin kang gagabayan.”