Book cover

Panalangi’y Mithiing Tunay

Mga Himno, 81


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Panalangi’y mithiing tunayNg ating kalul’wa,Binibigkas man o sa puso mo ay taglay,Nag-aalab sa t’wina.

2. Panalangi’y buntong-hininga,Pagtulo ng luha.Ang pataas na pagsulyap sa kalangitan’Pag Diyos ang s’yang kasama.

3. Panalangin ang unang wikaNa sambit ng paslit.Panalangi’y kaytamis at anong dakilaNa aabot sa langit.

4. Ang panalangin ang hiningaNg bawat Krist’yano.Huling himakas n’ya sa may huling hantungan,Kung sa’n langit ang tungo.

5. Panalangi’y tinig ng taoNa dati’y may sala.Ang mga anghel, nagdiriwang, umaawit,’Pagkat nagsisisi s’ya.

6. Sa dalangin, ang mga BanalAy nagkakaisaSa isip, wika at gawa, habang kapilingNg Diyos Anak at Ama.

7. Dalangi’y ’di lamang sa mundo,Mayro’ng sumasamo.Espiritu Santo, maging si Jesucristo,Nagtatanggol sa tao.

8. Katotohanan, Buhay, Daan,At Bugtong ng Ama,Landas ng dalangin, Inyong tinahak minsan,Ako’y turuan t’wina.