1. Habang ating tinatanggapAng kay Jesus na sagisag,Ating isipi’t tiyakin,Puso’t kamay, dalisay rin.
2. Dugo ni Cristo’y binuhosPara sa atin do’n sa krus,At napawi’ng kalungkutangTadhana ng sanlibutan.
3. Ang kay Cristong kamatayanAng bayad sa katarungan,Nang tao’y ’di na alipinNg kamatayan, ng libing.
4. Ngunit muling mabubuhay,Kailanma’y ’di mamamatay,Walang hangganang lalagi,Si Cristo ang maghahari.