1. Ngayon ay kumilos nang buong giting,Lahat ng iyong tungkulin ay tuparin.Ngayon ay umawit, h’wag nang mangamba.Buhay at mundo’y sadyang kayganda.
Ngayon, ngayon, ay kumilos ka;Ngayon, ngayon, ika’y gumawa.Ngayon, ngayon, ay magsikap na;Kumilos ngayon nang bukas ay handa.
2. Ngayon, pagsikapan ang yamang tunay.Ligaya at kapayapaan sa buhay.Ngayon, sundin ang hangarin ng puso.Tama’y piliin habang narito.
Ngayon, ngayon, ay kumilos ka;Ngayon, ngayon, ika’y gumawa.Ngayon, ngayon, ay magsikap na;Kumilos ngayon nang bukas ay handa.
3. Ngayon, hangarin mo ang kabutihan;Tampok sa ’yong buhay, ang katotohanan.Ngayon, ugaliin, ang katapatan,At h’wag magmaliw magpakailanman.