1. Masdan! Hukbong kaygiting,May bandila’t armas,Patungo sa digmaan,May tapang at lakas.At ang mga sundaloAy nagkakaisa;Sa pagsunod kay CristoAy umaawit pa:
Tagumpay, tagumpaySa ating Manunubos!Tagumpay, tagumpayKay Cristong ating Diyos!Tagumpay, tagumpay, tagumpayKay Cristong ating Diyos!
2. Pagsugod ng kalaban,Hukbo’y sasalubong,Tapang nila’y kaytibay,Sila’y ’di uurong.Pinuno’y tumatawag,“Kayo ay manalig!”At sa hudyat N’ya, awitNila’y maririnig:
Tagumpay, tagumpaySa ating Manunubos!Tagumpay, tagumpayKay Cristong ating Diyos!Tagumpay, tagumpay, tagumpayKay Cristong ating Diyos!
3. Pagtapos ng digmaan,Pati ng alitan,At ang lahat, natiponSa kapayapaan;Sa paanan ng Hari,Ang hukbong kayrami,Ngalan N’ya’y aawitanNg himig papuri: