Book cover

Isang Taong Manlalakbay

Mga Himno, 22


0:00 0:00
All Verses

1. Isang taong manlalakbay Na laging nakikita ko, Ang sa ’kin ay nagsumamo At s’ya’y ’di ko matanggihan. Ngalan n’ya’y ’di ko maitanong, Sa’n nagmula, sa’n tutungo, Ngunit nang s’ya’y titigan ko, Napukaw ang aking puso.

2. Minsan, nang hain ko’y munti, Dumulog s’yang walang imik; Hapo sa labis n’yang gutom, Lahat sa kanya’y hinandog. Ito’y kanyang binasbasan, Ako’y kanya ring binigyan; At habang kinakain na, Mistulang manna ang lasa.

3. Sa batis s’ya’y nasumpungan, Lubusan ang panghihina. Ang tubig ay nangungutya Habang kan’yang minamasdan. S’ya’y ’tinayo’t pinainom Tatlong ulit sa ’king tasa, Umaapaw n’yang binalik Ako’y ’di na nauhaw pa.