Book cover

Luwalhati at Papuri

Mga Himno, 38


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. L’walhati at papuri Sa Nyo aming Hari, Hosana ang alay ng Mga batang munti. Kayo’y Hari ng Israel, Sa lahi ni David, Sa ngalang ng Diyos, dito Ay darating muli.

2. Mga angel sa langit, Nagpupuri sa ’Nyo, Lahat ng nilikha N’yo’y Dagling tumutugon. Mga Hebreo’y nagpugay, Tangan ay palaspas; Papuri at pag-ibig, Alay naming wagas.

3. Noo’y kan’lang alay ang, Nagpupuring tinig: Ngayong Kayo’y dakila, Alay nami’y himig. Ang kanilang papuri’y Tinanggap N’yong lubos, Pag-ibig naming alay, Ay tanggapin, O Diyos.