1. Minsan isang angel, Sa langit nagmula; Sa lupa’y bumaba, At ang kanyang wika: Do’n sa burol ng Cumorah, Banal na talaa’y naro’n pa. Do’n sa burol ng Cumorah, Banal na talaa’y naro’n pa.
2. Tinago’t tinapos Ni Moroni noon; Hinintay ang utos Nang maihantad ngayon; Upang muli ay marinig, Paghari ni Cristo’y hatid. Upang muli ay marinig, Paghari ni Cristo’y hatid.
3. Tungkol s’ya sa lahi Ng propetang Joseph, Tungkol din sa labi Ng naglahong lipi. Kabuuang ebanghelyo Ang inihahayag nito. Kabuuang ebanghelyo Ang inihahayag nito.