Book cover

O Diyos, Magliwanag

Mga Himno, 166


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. O Diyos, magliwanag, At pagpalain N’yo Bawat paghahayag Nitong ebanghelyo, Ipabatid, Inyong habag, Katotohana’y ihayag.

2. Bayan mang kay layo Sana’y turuan N’yo Nang purihin Kayo Ng lahat ng tao. Kami sana’y pagharian At sa wasto’y pamunuan.

3. Kapangyarihan N’yo’y Itanghal sa Hentil. At masdan ang mga Nagbabalik-loob. O basbasan, simbahan N’yo, Maging itong buong mundo.

4. Sa Diyos nating lahat, Hari kailanpaman, Magpugay ang lahat Ng tao’t nilalang: Buong mundo, purihin n’yo, Ama, Anak, Espiritu.