Book cover

Habang Aming Tinatanggap

Mga Himno, 99


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Habang aming tinatanggap Itong sakramento, Ang tanging nasa isip ay Pag-ibig ni Cristo. Biyaya N’yong sa ’mi’y alay Ay itinuturing, Ang buhay na walang hanggan Ay sa Inyo galing.

2. Habang kahapo’y gunita, Kami’y nagsisisi, Landas Ninyo’y kabutihan, Dapat naming sundin. Pagpapatawad N’yo sa ’mi’y Tapat naming hiling, Pagtanggap ng sakramento, Pangako’y tutupdin.

3. Habang ngala’y pinupuri Sa aming awitin, Biyaya N’yo sa ’ming puso, Sana ay taglayin. Hiling nami’y tapang upang Nais Ninyo’y gawin, Kayo’y mahal naming tunay At laging susundin.