Book cover

Bilang Mga Kabataang Sion

Mga Himno, 158


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Bilang mga kabataang Sion, Puso namin ay magiting, Sa ’ming mga mata’y nagniningning: Pangakong tungkuli’y tupdin. Dakilang nakalipas ang Saligan ng bukas, At sa hamon ng kasalukuyan, Sumap’y katapatang wagas.

2. Mga paniniwala namin ay Kinukutya nila t’wina, Sa ’ming pakikinig at pagsunod, Pag-iwas ay magagawa. Sa sala at kasamaang Sa ’min ay sisira. Nananalig kaming tangan t’wina, Ebanghelyo ng ligaya.

3. Sa pagsubok man ay may pangamba, Dama pa rin ang pag-asa. Maglilingkod sa layuning mat’wid, May tapang at lakas t’wina. Magmamahal, matututo At magtatagumpay. Bilang mga kabataang Sion, Magigiting at dalisay.