Book cover

Mga Banal ng Diyos, Gising!

Mga Himno, 8


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Mga Banal ng Diyos, gising! At sa Kanya manalangin Nang mapalaya ang Sion At maiadya sa tukso, At maiadya sa tukso.

2. Maganib man ang kalaban, Tanikala’y matibay man, Ang Diyos ni Jacob ay gising, At pagganti N’ya’y darating, At pagganti N’ya’y darating.

3. Sa pananalig na lubos, Pagpapakumbabang taos, Sa diwa’t pusong may tapang, Layunin N’ya’y paghandaan, Layunin N’ya’y paghandaan.

4. Gayahin ang Ama’t Anak, Bawat Banal, magkaisa. Kundi’y sabi ng Diyos sa ’tin, “Kayo ay hindi sa akin, Kayo ay hindi sa akin!”