Book cover

Doon sa Sabsaban

Mga Himno, 123


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Doon sa sabsaban, wala s’yang kuna, Munting Panginoon, do’n nakahiga; Ang bituin sa langit, tanglaw sa Kanya, Munting Panginoon, nahihimlay pa.

2. Ang baka’y umungol, sanggol nagising, Ngunit munting Cristo’y tahimik pa rin; Jesus na mahal ko; ako’y tanglawan Buong magdamag na ako’y samahan.

3. Jesus, Panginoon, O manatili, Ako’y mahalin at dito’y lumagi. Bawat batang musmos ay pagpalain At bawat isa ay sa langit dalhin.