Book cover

Pumayapa, Aking Kaluluwa

Mga Himno, 71


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Pumayapa, aking kaluluwa: Tiisin mo, pasakit at dusa. Hayaan mong ang Diyos ang maglaan; S’ya ay tapat magpakailanpaman. Pumayapa: aking kaluluwa: Sa dulo ng landas, may ligaya.

2. Pumayapa, aking kaluluwa: Diyos ang patnubay mo at kalinga. Pag-asa mo ay h’wag mapaparam, Bawat hiwaga’y may kasagutan. Pumapaya: ang alon at hangin, Tinig N’ya ay palaging susundin.

3. Pumayapa, aking kaluluwa: Walang hanggang makakapiling S’ya, Paglipas ng bawat pagdurusa, At pagkamit ng bawat ligaya. Pumayapa: Pagpawi ng luha, Ligtas tayong muling magkikita.