Book cover

Magpakumbaba Ka

Mga Himno, 75


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Sa ’yong kahinaa’y laging magpakumbaba ka lamang, At Diyos ay gagabay at tutugon sa ’yong dasal. Maging sa pagsusumamo, upang Diyos ay magbiyaya Ng katiyakan na ika’y Kanyang minamahal.

2. Sa tungkuling atas ng Diyos, magpakumbaba kang lagi, At S’ya ay magtuturo kung paano maglingkod. At sa ’yong pangangailangan, magpakumbaba kang lalo, Nang sa Kanyang piling ay tanggapin ka ni Cristo.