Book cover

Kaygandang Sion, Nasa Langit

Mga Himno, 27


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Kaygandang Sion, sa langit, Lungsod na ’king iniibig; Lagusang sakdal sa ganda, Sa templo’y Diyos, liwanag n’ya. S’yang pinaslang sa Kalbaryo, Sa ’ki’y buksan, pinto nito.

Sion, Sion, aking Sion; Kaygandang Sion; Sion na lungsod ng Diyos!

2. Kaygandang langit, kay ning-ning; Mga anghel, nakaputi; Mga awit, walang patid; Himig ng alpa ay batid. Sa pagawit ay sasali, At aawit ng papuri.

Sion, Sion, aking Sion; Kaygandang Sion; Sion na lungsod ng Diyos!

3. Kaygandang koronang taglay, Sagisag ng pagtagumpay; Naro’y kaygagandang tao, Mga tinubos ni Cristo. Do’n ko lamang makakamtan, Ang ginhawang walang hanggan.

Sion, Sion, aking Sion; Kaygandang Sion; Sion na lungsod ng Diyos!