Book cover

Sa Harap N’yo, Panginoon

Mga Himno, 92


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Sa harap N’yo, Panginoon, Yuyuko at magpupugay; Salamat po sa narinig, Sa puso ko’y mayro’ng himig. O kayganda ng salita! Maging gabay sana t’wina! Bahagi ko’y tupdin sana, Isapuso ang salita.

2. Paningin ko ay gabayan, Nang hangarin ay makamtan. Ako’y tigib at luhaan, O Diyos, ako ay tulungan. Liwanag N’yo ay ibigay Nang ako ay magtagumpay! At sa wakas ay marating, Ginhawa sa Inyong piling.

3. Tumingala, aking puso, H’wag malumbay, h’wag yumuko. Kasalanan ay gapiin, Espiritu ay tanggapin. Sa pagharap ko sa kapwa, Hakbang ko’y gabayan t’wina. Nang manatili pa ako Sa wagas na pag-ibig N’yo.