Book cover

Masdan! Hukbong Kaygiting

Mga Himno, 153


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Masdan! Hukbong kaygiting, May bandila’t armas, Patungo sa digmaan, May tapang at lakas. At ang mga sundalo Ay nagkakaisa; Sa pagsunod kay Cristo Ay umaawit pa:

Tagumpay, tagumpay Sa ating Manunubos! Tagumpay, tagumpay Kay Cristong ating Diyos! Tagumpay, tagumpay, tagumpay Kay Cristong ating Diyos!

2. Pagsugod ng kalaban, Hukbo’y sasalubong, Tapang nila’y kaytibay, Sila’y ’di uurong. Pinuno’y tumatawag, “Kayo ay manalig!” At sa hudyat N’ya, awit Nila’y maririnig:

Tagumpay, tagumpay Sa ating Manunubos! Tagumpay, tagumpay Kay Cristong ating Diyos! Tagumpay, tagumpay, tagumpay Kay Cristong ating Diyos!

3. Pagtapos ng digmaan, Pati ng alitan, At ang lahat, natipon Sa kapayapaan; Sa paanan ng Hari, Ang hukbong kayrami, Ngalan N’ya’y aawitan Ng himig papuri:

Tagumpay, tagumpay Sa ating Manunubos! Tagumpay, tagumpay Kay Cristong ating Diyos! Tagumpay, tagumpay, tagumpay Kay Cristong ating Diyos!