1. — ’Singtibay ng kabundukan, May paninindigan, Sa itinatag na saligan Dito sa ating bayan; Saligang dangal, kabutihan At pananampalataya, Sa Diyos na dinadakila Dito sa ’ting lupa.
Ang disyerto’y umaawit: Adhikain ninyo’y ituloy! Sa bundok man ay rinig din: Adhikain ninyo’y ituloy! Bandila’y ating tangan, Sa umaga’y susulong. O kabataang pangako, Adhikain ninyo’y ituloy!
2. Kan’lang simulai’y buhayin Para sa ’ting Hari. Sa Kanya ay ating dadalhin Mga awit papuri. Ang pamanang sa ati’y iniwan, ’Di ginto o kayamanan, Sa halip ay isang biyaya: Ligayang walang hanggan.
Ang disyerto’y umaawit: Adhikain ninyo’y ituloy! Sa bundok man ay rinig din: Adhikain ninyo’y ituloy! Bandila’y ating tangan, Sa umaga’y susulong. O kabataang pangako, Adhikain ninyo’y ituloy!