Book cover

Piliin ang Tama

Mga Himno, 145


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Ang tama ay piliin mo sa t’wina; Sa tama, Espiritu’y gabay; Liwanag N’ya’y laging mananatili Kung puso’y sa tama nabuhay.

Piliin ang tama! Haya’ng dunong ang magpasya. Piliin ang tama! Diyos ang sa ’yo’y magpapala.

2. Ang tama ay piliin mong landasin, Sa tama ay h’wag kang lalayo. May tama at mali sa bawat bagay, Maging ligtas sa pasyang wasto.

Piliin ang tama! Haya’ng dunong ang magpasya. Piliin ang tama! Diyos ang sa ’yo’y magpapala.

3. Ang tama ay piliin mong gawain, Dito ay ligtas ka’t payapa. Sa lahat ng gawaing isusulong, Langit at Diyos ang gawing nasa.

Piliin ang tama! Haya’ng dunong ang magpasya. Piliin ang tama! Diyos ang sa ’yo’y magpapala.