Book cover

Mga Anak ng Diyos

Mga Himno, 200


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Mga anak ng Diyos, may pagkasaserdote; Ipahayag ninyo, banal na ebanghelyo. Nagsimula na’ng gawain, Ang Israel ay tipunin, Nang sa Sion nila purihin ang Diyos.

2. Nawalay na tupa, inyong Pastol ay dinggin. Ang mga biyaya, halina’t inyong kamtin. ’Pinangako ng propeta, Kayo ay titipunin N’ya. Do’n sa Sion ninyo purihin ang Diyos.

3. Upang mabinyagan, sala ay pagsisihan. Espiritu Santo ay t’yak na makakamtan. Ipasa-Diyos ang pangamba, Dalangin n’yo’y diringgin N’ya. Nang sa Sion ninyo purihin ang Diyos.

4. Paglipas ng hirap, wakas na’ng bawat lumbay Inyong hihintayin, muli n’yong pagkabuhay. At ang ligaya n’yo’y lubos Sa langit kapiling ng Diyos. At sa Sion laging purihin ang Diyos.