Book cover

Mga Banal, Halina

Mga Himno, 23


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Mga Banal, halina’t gumawa, Maglakbay sa tuwa. Mahirap man ang ’yong kalagayan, Biyaya’y kakamtan. Makabubuting magsikap Nang pighati’y ’di malasap. Ligaya ay madarama— Kay-inam ng buhay!

2. Ba’t luluha sa hirap at dusa? Lahat may pag-asa. Gantimpala ay ’di matatamo Kung ika’y susuko. Maging handa at magiting, Ang Diyos ’di lilimot sa ’tin. Ihahayag ang salaysay— Kay-inam ng buhay!

3. Makikita, lugar na ’nilaan Doon sa Kanluran. Do’n kung saan may kapayapaan, Biyaya at yaman. Mga papuri’y awitin Alay sa Hari’t Diyos natin. Ito ang isasalaysay— Kay-inam ng buhay!

4. At masawi man sa ’ting paglakbay, Masaya, kay-inam. Malaya na sa hirap at dusa, Mat’wid ay kasama. Ngunit kung tayo’y maligtas At pahinga ay matangap, Aawit nang buong sigla— Kay-inam ng buhay!