Book cover

Magsisunod Kayo sa Akin

Mga Himno, 67


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. “Magsisunod kayo sa ’kin,” Ang wika ni Cristo sa ’tin, Upang tayo’y makiisa Sa Bugtong ng ating Ama.

2. “Magsisunod kayo sa ’kin,” Simpleng turan, at taimtim Dito’y ang katotohanang S’yang pupukaw sa isipan.

3. Sapat bang malaman lang Na dito’y dapat S’yang sundan Habang tayo’y nabubuhay? Hindi, hanggang sa langit man.

4. Di lamang dito susundin, Halimbawang alay sa ’tin, Kundi kahit naroon na At sa langit kapiling S’ya.

5. Landas N’ya ay tatahakin Sa paglawak ng tanawin, At sundan S’ya walang hanggan, Anuman ang katayuan.

6. L’walhati’y kapangyarihan At ligaya’y makakamtan Kung tawag N’ya ay susundin, “Magsisunod kayo sa ’kin.”