Book cover

Halina, Tinig ng Propeta’y Dinggin

Mga Himno, 14


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Halina, tinig ng propeta’y dinggin, Salita ng Diyos ay pakinggan; Maligayang himig ating awitin, Magdiwang sa katotohanan. Atin nang batid ang landas na sinundan Ng mga naunang propeta. Upang ibalik itong kaalaman, Bagong propeta’y ’pinadala.

2. Kalungkuta’t kadilimang laganap Dito sa buong sanlibutan Ay pinawi na ng Tagapagligtas, At ang wangis N’ya ay namasdan. Naligaw ng landas, buong sanlibutan Sa mga dating kamalian; Ngunit nakita na ng mga Banal, Tuwid at makitid na daan.

3. Kanilang tiwala ay ’di sa tao, At ’di sa kanyang kakayahan. Sinumang kay Cristo ay magkaila, Kakamtin ang kaparusahan. Ang wika ng Tagapagligtas sa lahat, “Sundin ang bawat kong salita. Mga palatandaa’y makakamtan Ng may pananampalataya.”

4. Atin nang dinggin ang mga salita Ng katotohana’t liwanag. Buong giting na ang batas N’ya’y sundin, Tiyakin ating pagkahirang. Upang sa sagradong tinig ay marinig, Pangakong ika’y maghahari; Habang ligaya’t tuwa’y nadarama, Kabilang sa mga napili.