Book cover

Halina, Hari ng Lahat

Mga Himno, 32


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Halina, Hari ng lahat! At kaytagal nang naghintay Upang kami ay lunasan At bigyang kalayaan. Halina, aming mithiin, Ang Israel ay tipunin.

2. Ang kasalana’y sugpuin At ang mundo ay linisin. Kabutiha’y Inyong dalhin, Nang Banal ay umawit Ng kaysayang pagpupuri, At paghahari’y tanggapin.

3. Hosana ay sinasambit Ng mga taong tinubos. L’walhati ang maririnig, Tagumpay ang s’yang awit; Hanggang langit ang papuri, Buhat sa Sion ang himig.

4. Purihin ang Panginoon Ng kapayapaa’t buhay! Habang ang mga hinirang, Kay Cristo’y nagpupugay. At luluhod, buong mundo, Papuri’y alay sa Inyo.